Thursday, October 1, 2009

Ano ang fashion?

Ano nga ba ang fashion?iyan ang tanong na nabubuo sa ating isipan kapag naririnig natin ito. para sa akin ang pagkakaintindi ko dito ay paraan ng pananamit o istilo ng pananamit. Ang fashion ang sumasalamin sa atin kung ano tayo. dahil sa fashion nakikita ang pagkakaiba ng isa't isa at dahil din dito naipapakita natin ang sarili natin. Ganito din siguro ang una niyong naiisip pag narinig niyo ang salitang fashion.

Maaari din nating maiugnay ang salitang fashion sa ibang bagay. Hindi lang ito sa damit kundi pati na rin sa arkitektura. Hindi ba't merong iba't ibang istilo ng bahay?dito pumapasok ang fashion ngayon. Istilo naman ng bahay ang pinaguusapan dito.

Sa panahon ngayon marami na naman ang usong fashion. Lalong lalo na sa mga kabataan. Nandyan ang emo fashion na maituturing na in na in ngayon sa mga kabataan. Ang salitang emo ay mula sa salitang "emotional". Sunod naman ay ang hiphop, gothic at kung ano-anu pa. Ilan lamang yan sa mga istilo ngayon. Hindi niyo ba napapansin?paikot-ikot lang ito. Uso ang damit na yan ngayon ngunit paglipas ng araw, buwan at taon maiiba na naman ang uso at babalik na naman ang nauso noon. Para lang "cycle" ang fashion, paikot-ikot lamang ito.

kalakip ng fashion ang ayos ng mukha, istilo ng buhok at pati na rin ang pag-uugali.

1 comment:

  1. Planet Win 365 Casino Review - Signup Now to Claim
    Planet win 365 Casino welcomes you a welcome bonus of planet win 365 100% up to €/£ 200 + 250 더킹카지노 free spins starvegad on the latest casino games!

    ReplyDelete